Saving101: Life hacks

Mahirap mag-ipon maraming gastusin..


Totoo naman. Mahirap mag-ipon lalo na kung di ka marunong magtipid. Sa nagdaang taon mayroon ka bang naitabi mula sa sweldo mo or galing sa mga bonus mo? Aantayin mo pa ba ang december para mag karoon ka ng ipon o extra money?

Isa ka ba sa kanila:

  • Bahala na nandyan naman sila nanay at tatay.. di nila ako matitiis.
  • Saka na lang pag may dumating na biyaya..
  • May mag papautang naman sakin bayaran ko na lang pag nakaluwag-luwag..
  • Mayroon namang bonus.. yon na lang gagamitin ko..

Pwede ka pa din naman mag ipon kahit na maliit lang ang sweldo mo. May mga simpleng bagay ka pa din naman na pwedeng gawin para makabawas ng gastusin.

  1. Patayin/ tanggalin ang saksak ng mga de kuryenteng gamit tulad ng electric fan, ilaw at iba pa
  2. Bumili ng bultuhan makakamura ka kapag bultuhan kaysa tingi tingi
  3. Wag kukuha ng credit card.. kasi lalo ka matetempt bumili ng mga bagay bagay.. mababaon ka sa utang
  4. Matutong mag tabi muna ng ipon bago gumastos. Gamitin ang formula na : income-savings=expenses.
  5. Matutong mamuhay ng simple

Limang bagay na malaking matutulong para ikaw ay makapag ipon. Di masama mag hangad ng maraming salapi. Pero dapat sa tamang paraan. Mas mabuti ring gumastos sa makabuluhang bagay kaysa unahin ang luho’t kapritso. Wag mo din kakalimutan ang wants vs  needs. Mga bagay na makakatulong sayo sa pag iipon hanggang sa katapusan ng taon. Bagay na dapat mong matutunan at ng mga kabataan ng sa gayon di ka mukang kawawa pag kailangan mo ng pera.

“Mas masarap dumukot ng pera galing sa iyong pinaghirapan. Pero mas masarap mamuhay ng wala kang pinagkakautangan. May peace of mind ka.”